Pagkatapos ng mahaba-habang pahinga nagbabalik sila Diego at Waldo...
(6AM) Sa kasagsagan ng bagyong Minga...
Diego: (Sinagot ang nagri-ring ang cellphone) Hello..
Waldo: Huy Diego!
Diego: Oh bakit?
Waldo: May pasok ba?
Diego: Bakit stockholder ako ng SAO? Malay ko.
Waldo: Takte! Signal No. 1 nga pero tumba na puno sa harapan namin.
Diego: Wow pitsuran mo, gawin mong background tapos padala mo sa TV. Wala pa bang announcement?
Waldo: Wala pa eh, ano pasok nalang tayo?
Diego: Tara! Paalis nako.
Waldo: Teka, diba kagigising mo lang?
Diego: No worries, bitbit ko na sabon at shampoo. Sa daan nalang ako maliligo, may libreng blower pa.
Waldo: Tsk.
(7:15AM) Habang papasok sa main gate ng Stairway University ang dalawa...
Diego: Woooo.. hanep na lamig record breaking! (Sabay ayos sa payong na bumaliktad)
Waldo: Oo nga, lam mo pwede na tayong sumali sa Guinness Book of World Records!
Diego: Para san?
Waldo: "Most Number of Umbrellas Broken at the Same Time"
Diego: (Tawa ng malakas, habang pinipiga ang basang T-shirt)
Waldo: Tara kape tayo, libre ko!
(7:30AM) Sa Eastern Canteen...
Waldo: Bakit kaya may pasok tayo? (Sabay higop sa "Mocha" na puro bula sa ibabaw)
Diego: Hmmm... kasi hindi suspended?
Waldo: Bakit kaya hindi suspended? (Sabay kagat sa donut na pahaba)
Diego: Malay ko. Chineck ko official page ng SU sa FB, silent naman.
Waldo: Baka kasi tulog pa si Chocolate.
Diego: Sinong Chocolate?
Waldo: Yung nagsususpend! Ay sus di mo kilala!
Diego: Sino man siya. Baka naman kasi di pa siya napapasisilip sa bintana.
Waldo: Malamang. Hintayin nalang natin mahanginan, malay mo biglang magsuspend.
Diego: Ay haler! Damage is done na kaya. Pusod ko nalang ata ang di pa basa.
Waldo: (Biglang iniba ang usapan) Buti pala hindi ka hinangin? Puno nga tumumba, ikaw pa?
Diego: Hello, Im the man who can't be moved!
Waldo: (Muntik binuga ang iniinom na "Mocha")
(10:30AM) Sa COMP1 class...
Diego: Tol tignan mo may announcement na pala ang sa official page ng SU.
Waldo: Ansabe?
Diego: Heto basahin mo.(Sabay nilang binasa)
"Classes and work will be suspended from 1pm onwards due to the bad weather. :)"
Waldo: Takteng announcement yan, may smiley pa! Ano to lokohan?
Diego: Baka kasi grade school yung inutusang maglagay ng update.
Waldo: Pero hanep may "bad weather" na nga tapos may ":)" pa! Epic fail garud.
Diego: Typical Stairway University announcement!
Sabay nalang silang napangiwi...
Waldo: Pero naisip ko lang, ano kayang gagawin ng SU kung may napahamak sa atin?
Diego: Edi magbabayad SIGURO ng insurance. Basta ang alam ko dapat protektahan nila mga studyante nila.
Waldo: Anong protektahan? San mo naman galing yan?
Diego: Nabasa ko sa isang desisyon ng Supreme Court, sabi:
"There can be no doubt that the establishment of an educational institution requires rules and regulations necessary for the maintenance of an orderly educational program and the creation of an educational environment conducive to learning. Such rules and regulations are equally necessary for the protection of the students, faculty, and property." (Miriam College Foundation v. CA)
Waldo: Wow, may ganyan pala?
Diego: Oo, naman. Ang linaw kaya, sabi rules and regulations malamang kasama na dun yung pagsususpinde ng klase para daw protektahan tayo at para sa kapakanan natin.
Waldo: Korek, pano tayo poprotektahan kung papasugurin tayo sa malakas na hangin at ulan? May kidlat at kulog pa!
Waldo: Tanong natin sa kanila! Sabi pa dun "educational environment conducive to learning." Pano kaya tayo makakapag-aral kung sobrang lakas ng hangin at basang-basa tayong lahat? Tapos kumikidlat pa! Conducive to learning pala ah?
Huminga nalang sila ng malalim...