Saturday, November 27, 2010

SCIS by Jaba



Habang nakapila sina Waldo at Diego sa Cashier para magbayad ng tuition...


Diego: (Nagdadasal na sana di na reklamo ang pag-uusapan nila ni Waldo)
Waldo: Tol!
Diego: Ano? (Reklamo ulit?)
Waldo: Astig tong napulot ko sa Eastern Canteen kanina oh!
Diego: Ano ba yan? (Napabuntong-hininga)
Waldo: Basahin mo.
Diego: "Certified SCIS student ka kapag..." by Jaba

Nakasulat sa papel...

  • -          Umupo ka na sa Silang corridor
  • -          Download ka ng download ng notes pero di mo naman binabasa
  • -          Nagpoprogram ka hanggang sumakit ang ulo mo at makaiglip
  • -          Alam mo ang pinto papasok sa s326
  • -          Kulay kape na ang dugo mo
  • -          Mahal mo ang salitang ‘torrent’
  • -          Nakaidlip ka na sa minor subjects, paminsan pati major na rin
  • -          Nagreklamo ka dahil feeling major subject ang ibang minor
  • -          Nagresearch ka ng sandamakmak sa Networks
  • -          Nagmemorize ka ng di-mabilang na acronyms sa Networks
  • -          Nagcorpo ka once a week sa OS
  • -          Gumawa ka ng Gantt Chart program sa OS
  • -          Napanuod mo na ang ‘Pirates of Silicon Valley’
  • -          Namaster mo ang spelling ng ‘Queue’ dahil sa Data Structure
  • -          Nalaman mong di lahat ng injection masakit, SQL Injection
  • -          Kilala mo sila Tim Berners-Lee, Steve Wozniak, James Gosling, Bill Gates and friends
  • -          Alam mo ang difference ng ‘internet’ sa ‘Internet’
  • -          Sinumpa mo na minsan ang programming
  • -          Natuto kang magdasal lalo na pag defense
  • -          Natuto kang manghula sa Exam.NET
  • -          Nainis ka dahil di na naging tama ang ER diagram mo sa DBMS
  • -          Sinabing masyadong physical ang DFD diagram mo sa SAD
  • -          Alam mo ang margin na 1V, 1H, 1/4H again
  • -          Nagprint ka ng 100 pages API reviewer
  • -          Sa cellphone o PSP ka ngrereview ng notes
  • -          Nadisappoint ka sa nangyari sa Mininova
  • -          Ang overnight paminsan nagiging sleepover
  • -          Alam mo ang kahihinatnan mo pag walang kuryente – IDLE
  • -          Hindi ka ganong fan ng internet sa Library
  • -          Dinalaw ka na sa panaginip ng mga programs na ginagawa mo
  • -          Sinabihan ka na computer lang ang alam mo pero di mo na ito pinatulan
  • -          Nakipag-usap ka na sa ng binary sa kapwa mo SCIS
  • -          Lastly, na-encounter mo na ang mga salitang ‘gory details’, ’luxury of time’ at ‘absurd’
Natuwa si Diego kaya binasa niya pa ito ng paulit-ulit. Pagkatapos ng tatlumpung minuto.... nasa pila parin sila!

No comments:

Post a Comment