Habang naglalakad sina Waldo at Diego papuntang SM Bagyo...
Waldo: Badtrip nanaman!
Diego: Oh bakit?
Waldo: Heto amoy pawis nanaman tayo!
Diego: Ano ka ba lagi naman eh.
Waldo: Mas matindi ngayon!
Diego: (Inamoy ni Diego ang sarili at napatango nalang)
Waldo: Tama bang maglinis tayong mga studyante ng rooms?
Diego: Hello! Na-apply kaya natin core values ng university!
Waldo: At pano?
Diego: Social involvement, at least makikinabang tayong mga studyante sa paglilinis na yun. Creativity, na-apply natin ang makabagong paraan ng pag-alis ng bubble gum. Competence, hindi lahat ng tao kaya ang ginawa natin, at least competent na tayo sa paglilinis san man tayo mapadpad. Ano pa kasi yung isa?
Waldo: Christian Spirit! (Di mu kasi minemorize nung NSTP 1 natin!)
Diego: Ayun Christian Spirit! Natuto tayong magdasal na sana hindi tayo hikain sa kaka-liha nung mga upuan!
Waldo: Ay basta, sayang effort ko!
Diego: Ito naman! At least diba yung remedy on your part is the altruistic feeling na nakatulong ka sa general welfare!
Waldo: San mo nanaman galing yan?
Diego: Sa discussion ng Police Power! (sabay ngiting aso)
Waldo: Basta di ko parin trip, pati kalat ng ninuno natin tayo naglinis.
Diego: Ninuno?
Waldo: Oo, heto may mga nakita kong antique na kalat sa ilalim ng platform.
Diego: Ano yan?
Waldo: Isang candy wrapper ng "Viva Caramel", isang comics ng "Bazooka" bubble gum, at isang wrapper ng "Nougat" candy.
Diego: Astig tol! Pwede mo na ilagay sa museum ng university natin. Malay mo yung kumain diyan professional na ngayon!
Waldo: Oo sana nga, professional na sila. Professional basurero! (Makarma sana sila, karma, karma, karma)
No comments:
Post a Comment