Saturday, November 20, 2010

Berta, Ang Babaeng Gala!



Habang umiinom si Waldo ng Cafe Mocha worth P27 at kumakain si Diego ng Corned Beef na puro sabaw at rice na binuhusan ng toyo sa Eastern Canteen...


Waldo: Tol, more than one year na tayo dito sa Stairway University.
Diego: Oo nga eh, pero di ko pa nalilibot ang buong campus.
Waldo: Bakit naman?
Diego: Nakakatamad puro hagdan. Ikaw ba?
Waldo: Hindi rin! Naghahanap nga ko ng escalavator wala ko makita.
Diego: Pero balita ko may isang studyante raw na nakapunta sa lahat ng sulok ng campus eh!
Waldo: Oh sino naman?
Diego: Si Berta!
Waldo: Berta?
Diego: Hello! Si Berta, ang babaeng gala! (Sabay lunok ng ikalawang green peas sa fried rice niya)
Waldo: So naniwala ka naman!
Diego: May ebidensya kaya!
Waldo: Ano?
Diego: Mag-room to room ka, check mo dingding, sahig, board, teacher's table, ilalim ng platform, may nakasulat "Berta was here!"
Waldo: Ay ganon ba! 
Diego: Promise! 
Waldo: (tinaas ang kilay, at umalis para kumuha ng karagdagang brown sugar)


No comments:

Post a Comment