Thursday, December 9, 2010

Silence Please





Habang nakaupo si Waldo at Diego sa Giant Steps ng Stairway University...


Waldo: (maluha-luha) Tol dumating na ang kinatatakutan ko.
Diego: Ano yun?
Waldo: Yung result ng quiz sa Rizal.
Diego: Oh musta?
Waldo: Bagsak!!!
Diego: Awts...

Waldo: Yung tama ko lang dun sa mga babae niya eh si O-Sei San at Segunda Katigbak.
Diego: Bakit dalawa lang?
Waldo: Malamang mali yung iba! (sabay tulo ng luha sa kaliwang mata)
Diego: Ok may point ka.
Waldo: Babawi ako! Babawi ako!
Diego: Sa quiz?
Waldo: Hindi!
Diego: Eh san?
Waldo: Sa mga maiingay sa Windy Library.

Makalipas ang isang oras...

Diego: Oh san ka nagpunta?
Waldo: Nagpa-print.
Diego: Tara aral tayo sa lib.
Waldo: Go tara! (sabay ngumiti at kuminang ang isang ngipin)

Pagdating sa 5th floor mezzanine ng library...

Waldo: Tol, ayun sila!
Diego: Sino? 
Waldo: Si Rizal at si Katigbak!
Diego: Weh?!
Waldo: Yung magsyotang maingay!
Diego: Library na pala tambayan ng mga jejemong magjowa ngayon ah?!
Waldo: Sinabi mo pa.
Diego: Tara dun tayo sa harap nila.
Waldo: Ok.

Umupo sila sa harapan ng magjowa...

Diego: Langya, ang ingay nga.
Waldo: Sabi ko sayo eh. 
Diego: Ano warningan ko na?
Waldo: Wag, may iba akong gagawin.
Diego: Prepared?
Waldo: Slight!
Diego: Weh?!

Tumayo si Waldo at ipinaskil sa pader ng lib ang pinaprint na mga papel kung saan nakasulat ang katagang...

ANG MAINGAY BABAGSAK! TRY MO!


Library Lovers





Habang tinatahak nila Waldo at Diego ang "Death March" stairs papuntang Gate 5...


Waldo: Tol!
Diego: Ano?
Waldo: May sasabihin ako!
Diego: Bad trip ulit?
Waldo: Galing mo ah, apo ka ba ni Nostradamus?!
Diego: (napangiti sabay ikot ng mata) Oh bakit ka bad trip?
Waldo: Kasi babagsak ata ako sa quiz namin sa Life of Jose Rizal.
Diego: Oh diba favorite mo yun?
Waldo: Slight!
Diego: Ano ba di mo nasagutan?
Waldo: Yung mga naging ka-"in a relationship" niya. Ang dami kasi!
Diego: Ay yun lang ba! Naknang, dali lang nun!
Waldo: Bakit kasi di nalang siya nag stick to one!
Diego: Sinisi pa ang patay.
Waldo: Yaan mo di narin naman niya maririnig.
Diego: Sabihin mo di ka lang nag-aral.
Waldo: Uy nag-library pa ako ah!
Diego: Eh bat sa tingin mo babagsak ka?
Waldo: Pano walang tumatak sa isip ko.
Diego: At bakit?
Waldo: Pano nung nagbabasa nako ng mataimtim.
Diego: Oh?
Waldo: Sobrang ingay nung mag-jowa sa likuran ko!
Diego: Baka naman academic discussion lang?
Waldo: Langyang academic discussion yan!
Diego: Bakit?
Waldo: Pinag-uusapang kaya nila yung lovelife nila!
Diego: Di interesting?
Waldo: Weh!
Diego: Bakit?
Waldo: Porket first date daw nila sa "Mang Inasal", first movie nila "My Amnesia Girl", favorite Zagu flavor nila "Natural Mango with extra pearls."
Diego: (natatawa na pero pinipigilan) Tapos?
Waldo: Favorite sauce nila ng kikiam sa Eastern Canteen eh "Mix", favorite kape nila "Mocha", favorite ulam ulit nila sa Eastern Canteen pag lunch eh "Beef Stroganoff at Fried Chicken."
Diego: Kaya pala wala kang nakuha eh!
Waldo: Bakit?
Diego: Minemorize mo yung entries nila sa slambook imbes yung Rizal notes mo!
Waldo: So kasalanan ko pa?
Diego: Partly!
Waldo: Duh!
Diego: Huh!

Wala nang nasabi ang dalawa dahil sobrang hingal na hingal na sila sa pag-akyat...