Thursday, December 9, 2010

Library Lovers





Habang tinatahak nila Waldo at Diego ang "Death March" stairs papuntang Gate 5...


Waldo: Tol!
Diego: Ano?
Waldo: May sasabihin ako!
Diego: Bad trip ulit?
Waldo: Galing mo ah, apo ka ba ni Nostradamus?!
Diego: (napangiti sabay ikot ng mata) Oh bakit ka bad trip?
Waldo: Kasi babagsak ata ako sa quiz namin sa Life of Jose Rizal.
Diego: Oh diba favorite mo yun?
Waldo: Slight!
Diego: Ano ba di mo nasagutan?
Waldo: Yung mga naging ka-"in a relationship" niya. Ang dami kasi!
Diego: Ay yun lang ba! Naknang, dali lang nun!
Waldo: Bakit kasi di nalang siya nag stick to one!
Diego: Sinisi pa ang patay.
Waldo: Yaan mo di narin naman niya maririnig.
Diego: Sabihin mo di ka lang nag-aral.
Waldo: Uy nag-library pa ako ah!
Diego: Eh bat sa tingin mo babagsak ka?
Waldo: Pano walang tumatak sa isip ko.
Diego: At bakit?
Waldo: Pano nung nagbabasa nako ng mataimtim.
Diego: Oh?
Waldo: Sobrang ingay nung mag-jowa sa likuran ko!
Diego: Baka naman academic discussion lang?
Waldo: Langyang academic discussion yan!
Diego: Bakit?
Waldo: Pinag-uusapang kaya nila yung lovelife nila!
Diego: Di interesting?
Waldo: Weh!
Diego: Bakit?
Waldo: Porket first date daw nila sa "Mang Inasal", first movie nila "My Amnesia Girl", favorite Zagu flavor nila "Natural Mango with extra pearls."
Diego: (natatawa na pero pinipigilan) Tapos?
Waldo: Favorite sauce nila ng kikiam sa Eastern Canteen eh "Mix", favorite kape nila "Mocha", favorite ulam ulit nila sa Eastern Canteen pag lunch eh "Beef Stroganoff at Fried Chicken."
Diego: Kaya pala wala kang nakuha eh!
Waldo: Bakit?
Diego: Minemorize mo yung entries nila sa slambook imbes yung Rizal notes mo!
Waldo: So kasalanan ko pa?
Diego: Partly!
Waldo: Duh!
Diego: Huh!

Wala nang nasabi ang dalawa dahil sobrang hingal na hingal na sila sa pag-akyat...

No comments:

Post a Comment